Leadership Speaker/Author to Vico Sotto: “He is beyond a politician, he’s a public servant”

Kabi-kabilang papuri, pagkilala, maging pagtuligsa ang mababasa sa social media ngayon ukol sa mga Mayor ng iba't-ibang lungsod na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumilos, manguna at patuloy na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno sa pagsugpo ng C0VID-19 sa bansa.

Isa sa mga masipag na tumugon sa tawag ng kanyang tungkulin ay si Mayor Vico Sotto ng Pasig City na hinangaan ng maraming netizens.


Ngunit, bakit nga ba marami ang humanga sa pamumuno niya Pasig?

Narito ang kwento ng isang kilalang leadership speaker at author na si Marlon Molmisa na hindi napigilang ibahagi ang ilang bagay tungkol kay Mayor Vico Sotto.

Photo credits: Marlon Molmisa

READ THE FULL POST: 

Sometime September 2018, before he decided to run for Mayor in Pasig City, Vico Sotto shared his leadership insights to the potential leaders of our organization.

He summarized his one and half hour lecture with a challenge, that is enclosed in two words: "servant leadership."

Fast forward, he won an uphill battle. He is now a Mayor. His works are incredible! People love him.

But let me share my three (3) personal observations about his leadership styles as we have built friendship through our previous series of talks and coffee bonding.


1) FOR HIM, HE IS A UNIQUE LEADER AS OTHER MAYORS AND POLITICIANS ARE.

Last time na nagkita kami, sinabi niya sa akin na "ang lahat ng leader ay may kani-kanilang style." [non-verbatim]

No comparison. Sigurado ako, natutuwa siya sa mga positibong feedback na natatanggap niya ngayon. Pero tingin ko, hindi siya natutuwa na kinukumpara siya sa ibang leader ng bansa. May kahinaan at kalakasan ang bawat isa. Bilang mamamayan, ipanalangin at tulungan natin ang ating mga lider sa mga pagkukulang nila.

2) HE IS BEYOND A POLITICIAN. HE'S A PUBLIC SERVANT.

Isa sa mga tumatak sa akin na sinabi niya sa leadership class, "nakakatulong ang charisma sa isang leader pero hindi iyon ang end goal ng pamumuno." [non-verbatim]

Noon pa man, clear siya sa ibig sabihin ng "leadership" at "pagbabago." Mula sa kultura ng "kurapsyon", "palakasan" at "political patronage" papunta sa detalye ng pagbabahagi ng tulong sa marginalized sector, malinaw sa kanya iyon. To the point, he is willing to risk his political career for doing what is right.

3) IT IS NOT HIS PRIORITY TO BE IN THE SPOTLIGHT.

Joke niya nga dati sa akin, "kung gusto kong sumikat edi dapat nag-showbiz na lang ako. Hindi showbiz ang public service." [non-verbatim]


Ever since, ayaw niya ang naha-highlight. Hindi siya uhaw sa spotlight. At tingin ko, baka ipabura niya rin sa akin ang post na ito kapag nabasa niya. Haha! Last na 'to. 😆

Kidding aside, I just want to honor Mayor Vico for his courage and "servant leadership." Also, I would like to encourage young and selfless leaders to rise up! Not for own gain but for God and for the country.

There is hope for our nation. There is hope in the next generation. 🇵🇭



Source: Marlon Molmisa | Facebook

Post a Comment

0 Comments