DDS o Dilawan? Mayor Vico, nilinaw kung saan siya pumapanig

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang palitan ng mensahe ng isang kilalang Duterte supporter at radio host na si Mark Lopez at Pasig City Mayor Vico Sotto.




Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Lopez ang pag-reach out sa kanya ng alkalde gamit ang mismong Twitter account nito.
Base sa isa sa mga mensahe ng Alkalde kay Lopez, binigyan diin nito na hindi niya gustong masangkot siya sa mga isyu patungkol sa 'national politics'. Inilahad din niya na naiipit lamang daw dahil may ilang mga 'political groups' na umano'y patuloy na sumasakay at ikinakabit ang pangalan niya patungkol dito.

"There will be other political groups who will try to piggy back on this issue.. what can i really do? Hindi ako DDS pero hindi rin ako Dilawan," ani ni Mayor Vico.

Dagdag pa niya, "We are just doing our best here at the local level and I don't want to be involved with national politics. Sa totoo lang naiipit lang ako lagi sa gitna."


Photo Credits: Mark Lopez

Photo Credits: Mark Lopez


Hindi man inilahad ni Lopez ang naunang mensahe sa kanya ng Pasig City Mayor, nagpasalamat ito at sumulat ng isang bukas na liham para kay Mayor Vico.

Open Letter
Dear Mayor Vico Sotto,

Unang una, marami pong salamat sa inyo mismong pag reach out sa isang hamak na netizen na katulad ko.

Nagulat po talaga ako, and I have to make doubly sure that it is indeed your official twitter account which sent the message.

Alam nyo po, it is not everyday that I get the chance to exchange views with someone as popular and as highly esteemed as you are now.

And I consider it an honor and a privilege that ikaw mismo ang nag initiate ng ating usapan.

It is indeed upsetting that there are forces that are trying to really divide us amid this very critical period of a global pandemic. And I thank you for your fortright and candid response, as well as sharing your fears and concern with regard to your enormous responsibility of managing a mega city like Pasig.

As per your wish, I did not include the initial part of our conversation but I take your word that what happened yesterday is something that is out of your control.

And as I have also mentioned, I wish you nothing but the best in carrying this most awesome burden of being Mayor of Pasig. Your effort to personally reach out has somehow given me a new perspective, and I hope we can build from therein, with our shared desire to make things better for our country.

Salamat Mayor Vico!

Mabuhay po kayo! 🇵🇭

Matatandaan na nito lamang nakaraang araw lumabas ang balita patungkol sa direktiba ang National Bureau of Investigation (NBI) kay Mayor Vico Sotto na hinihilingan ang alkade ng 'explanation letter' sa umano'y paglabag nito patungkol sa Bayanihan to Heal as One Act.  Mayroon man pagkakaiba ng mga opinyon pagdating sa mga paniniwalang politikal, ang hakbang na ito ng NBI ay inalmahan ng mga Pinoy netizens, hindi lamang ng mga taga-suporta ni Mayor Vico ngunit maging mga kilalang supporter ng Pangulo.


Direktiba ng NBI para kay Mayor Vico Sotto

Source: Mark Lopez, Facebook

Post a Comment

0 Comments