Lalaking na comatose pagkatapos maaksidente sa motor gamit ang Motorcycle Ride Booking Service na "Angkas", pumanaw na




Photo credit: Alej Jano



Uber at Grab, dalawa lamang sa kilala ngayon na ride-sharing apps sa bansa. Pero meroon pa lang "Angkas" na isang Motorcycle Ride Booking Service.

Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko sa pagamit ng nasabing app pag katapos mahulog habang nasa byahe at malagay sa kritikal na kundisyon ang isang lalaking pasahero nito. 


 Photo credit: GMA News

Makikita sa kuha ng dashcam ng SUV ang isang motorsiklo na may dalawang sakay noong gabi ng July 15 sa Nagtahan Bridge sa Maynila. Bigla nalamang sumemplang ang motorsiklo kaya nahagip din ito ng paparating na SUV.

Nakilala ang biktima na si Alejandro "Allen" Cajano, 23 anyos at isang part-time model. Ayon sa imbestigasyon, gumamit si Cajano ng "Angkas"  para umuwi ng bahay ng mangyari ang aksidente. 

Na-comatose ang biktima dahil sa tinamo nitong severe injuries sa ulo at spinal cord. Nag paabot naman ng tulong ang pamilya ng driver ng SUV. Samantala, ang pamunuan naman ng "Angkas" ay tumangging mag bigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Sunshine Cajano, kapatid ng biktima, makailang ulit nilang sinubukang lumapit sa pamunuan ng "Angkas" ngunit tumanggi magbigay ng kahit na anong tulong sa kanila.
Photo credit: GMA News

Naglabas ng statement ang nasabing kumpanya, ayon kay Ralp Brondial, Angkas Manager. While the motorcycle driver Zammy Banzuela was authorized to use the ride-sharing app to connect with passengers, he is not directly employed by the company. "Angkas" emphasized that they had no obligation over what happened to Cajano.

Humingi naman ng tulong ang pamilya Cajano sa mga awtoridad at LTFRB para sa nangyari dahil umabot na sa lagpas 1 Million ang kanilang hospital bills.

Samantala, pagkatapos ng higit dalawang buwang makikipag laban ni Cajano tuluyan na itong binawian ng buhay noong Septmeber 21, 2017.

Bumuhos ang pakikiramay sa social media ng pamilya at mga kaibigan nito. 

Ayun sa isang facebook post na hinihinalang partner ni Cajano na si Jayar Duque II: 


Photo credit: Jayar Duque II

Sept. 21 at 3:25pm 
"Sabi ko sayo babe laban lang bakit sumuko ka na. 😭😭😭😭"

Sept. 22 at 2:46pm 
"Babe sabi mo walang iwanan. 
Pero bakit ang daya mo bakit mo ako iniwan.
Sabi mo kakayanin natin lahat ng mga pagsubok, sabi mo pa magkasama tayo malalampasan natin lahat ng problema. Daya mo naman iniwan mo na ako agad. 
Kung gaano ka kabilis dumating sa buhay ko. Ganoon ka rin kabilis naglaho sa piling ko. 
Ang sakit sakit isipin n wala ka na, wala na yung taong anjan palagi para sa akin, ung taong hindi nagsasawa na intindihin ako. Sobrang swerte ko sayo babe alam mo ba!!! Wala na akong makikita pa na katulad mo.
Ngayon n wala ka na, wala na lahat. 
Parang nawalan na rin ako ng buhay, parang wala ng sense para mabuhay!!! Sobrang sakit, sobrang hirap naiiyak ako habang ginagawa ko ito. Dito ko na lang ibubuhos lahat ng nararamdaman ko.
Hindi ako matapang na tao babe alam mo yan, pero kailangan kong maging matatag at matapang. Dahil alam ko na hindi mo gugustuhin na makita na pinanghihinaan ako ng loob!!!
Hindi ko naisip na kahit kailan na darating pala ang araw na hindi ko na mararamdaman pa ang yakap mo, pag aalala mo, at paglalambing mo. Sobra akong durog n durog, kulang ako pag wala ka babe.
Hindi ko alam kung paano magsisimula ng hindi kita kasama. Thanks sa lahat babe!!! For accepting me who i am, for trusting me over and over again. For loving me inspite of my imperfections, thanks for all the care and love ma mi miss kita sobra babe haist!!!!
Hindi natin talaga alam kung hanggang kailan natin makakasama ang mga taong mahal natin sa buhay. Kung meron man ako regrets babe yun yung hindi ko naparamdam sayo kung gano kita ka mahal. Na sana maraming pagkakataon pa na asa tabi mo ako hawak hawak ang kamay mo at di ko bibitawan. Na sana maraming pagkakataon pa na aalagaan kita at ipaparamdam ko sayo kung gano kita ka mahal. 
I love you so much babe!!! Mali man ito sa paningin ng iba ang mahalaga Andito ako para sayo at hindi yun magbabago. Alam ko masaya ka na sa feeling ni God. Bsta babe lagi mo tatandaan na marami kaming nagmamahal sayo. Salamat sa magandang ala ala babe hindi ka namin makakalimutan. Rest well babe Mahal n Mahal kita!!!...


Source: Definitely Filipino Buzz and Jayar Duque II Facebook account. 


Please leave your comments. Like and Share. Visit my fbpage @scoopfeedph 

Post a Comment

0 Comments