Coco Martin sa mga nagpasara sa ABS-CBN: "Tinatarantado ninyo ang mga Pilipino!"

Hindi napigilang ibahagi ng Kapamilya actor at director na si Coco Martin ang kanyang galit at pagkadismaya kasunod ng utos ng National Telecommunications Commission (NTC) na pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN Network dahil sa kawalan nito ng franchise.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Coco ang kanyang saloobin tutal naman daw ay hindi niya alam kung mabubuhay pa siya matapos ang pandemic na dulot ng C0VlD-l9.



Ayon kay Coco, 'MALI at WALANG KATARUNGAN' umano ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilan libong empleyado ng Kapamilya network.

Narito ang buong kanyang buong post:

"Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan!




Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!


TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!"




Source: Mr. Coco Martin | Instagram

Post a Comment

0 Comments