Atty. Gadon, sinagot kung bakit ‘legal at konstitusyonal’ ang pardon ni Duterte kay Pemberton


Isa sa pinakamainit na usapin ngayon ang kontrobersyal na pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 'Absolute Pardon' kay US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay sa isang Filipino transgender woman na si Jeffrey "Jennifer" Laude.





Kabi-kabila man ang opinyon patungkol sa usapin na ito, ipinaliwanag ng isang kilalang abogado at dating senatorial candidate na si Atty. Larry Gadon kung bakit 'legal at constitutional' ang naging desisyon ng presidente.

Narito ang kanyang malinaw na paliwanag: 

ABSOLUTE POWER OF THE PRESIDENT TO GRANT PARDON IS LEGAL AND CONSTITUTIONAL - Atty. Larry Gadon

Kung meron man dati mga hindi malinaw na paliwanag ukol sa pagpalaya kay Pemberton, lahat ng agam agam na ito ay naresolba na:


US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton

1. Ang sentensya ng kulong ay 6 hanggang 10 taon.

2. Naka 6 na taon na ang pagkapiit sa kulungan, ibig sabihin ay napagsilibihan na ang minimum penalty na 6 taon.

3. Ang presumption ng good conduct ay ibinase sa dahilan na walang record na si Pemberton ay naging masamang ehemplo na preso, hindi nasangkot sa anumang gulo o pagkawalang disiplina, samakatuwid ang good conduct ay may basehan.

4. Ang pag gawad ng pardon ay kapangyarihan ng Presidente, ito ay hindi na dinadaan pa sa diskusyon , ito ay nakapaloob sa Constitution, ito ay absolute power, exclusive at fully discretionary sa Presidente. Dahil dito , ang desisyon na gawaran ng pardon ang kahit sino ay nasa legal na pamamaraan.




5. Tumupad si Pemberton na magbayad ng danyos sibil na utos ng Korte , 4.5+ Million pesos na ibinigay sa pamilya ng Laude. Mahalaga ang buhay ninoman, pero Korte ang nag utos na bayaran ng danyos.



Source: https://www.facebook.com/attygadon/posts/983214085496968

Post a Comment

0 Comments