Cavite Governor, nagbigay ng 'official advisory' para sa mga nais pumunta ng Tagaytay



Kinumpirma ni Governor Jonvic Remulla nitong Huwebes na hindi na kailangan ng 'travel pass o travel authority' para sa mga turista na nagnanais pumunta ng Tagaytay City, taliwas sa naunang pahayag ng Philippine National Police's Joint Task Force (JTF) Covid Shield.




"On behalf of the Cavite Provincial Government, I would like to apologize for the hasty decision to issue a travel warning to Tagaytay City last September 15. I was reacting to a directive made by Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar issuing a statement that a travel pass is required to enter Tagaytay," pahayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla.

Paglilinaw niya, bukas ang Tagaytay City under MGCQ at hindi po kinakailangan ng TRAVEL PASS para makarating dito. 

Ngunit, narito ang mahigpit niyang paalala para sa lahat: 


Tagaytay, Photo Credits to the Owner

1. Nagkaroon po ng COVID outbreak sa PNP Academy, kamakailan. Tinatayang halos 250 katao ang nag-positive. Ang PNPA ay located sa Tagaytay-Sta. Rosa Road kaya’t ingat sa mga malimit na napapadaan dito.

2. All restaurants in Tagaytay City are subject to IATF guidelines. Occupancy and operation hours apply.


3. 50% lang po ang maximum occupancy ng mga DOT-accredited hotels. Siguro ang ibig sabihin: One (1) person per room lamang ang puedeng gumamit at a time. Bahala na po kayo umintindi sa patakaran na yan.


 4. Ayon sa mga dalubhasa, kapag dalawa ang pumasok ng sabay sa hotel room ay required na ang face mask at face shield at all times. Ayun lang. Hindi ko talaga maintindihan. Paano na?




On a serious note, PLEASE remember that we are still under a strict QUARANTINE system. We are still very much in a pandemic mode. Patuloy ang paglaganap ng COVID kaya’t siguraduhin po ang pag-iingat ng lahat.


Panahon ng tag-ulan ngayon sa Cavite at ang pagkakasakit ng sipon at ubo (at ang droplets na dala nito) ay maaaring maging contributing factor sa pagkalat ng COVID.




Source: 1

Post a Comment

0 Comments