LOOK: Hacker, nilimas ang pera ng isang babae sa Food Panda, umorder pa ng yosi at pizza


Hindi maitago ang panggagalaiti at pagkadismaya ng isang babae matapos niyang madiskubre na na-hack ang kanyang Food Panda account nitong nakaraang Miyerkules.

Sa viral post at video na kanyang in-upload sa mismong Facebook account niya, inilahad ni Boots Gonzales kung paano pinagsamantalahan gamitin ng hacker ang kanyang account.




"Somebody used my Food Panda account. Nag-grocery sa 711 Pulang Lupa Dos Las Pinas worth P2484.00 May sari sari store ka yatang hayuff ka, dahil pati yosi nakabili ka pa!," galit na post ni Boots.
Photo Credits: Boots Gonzales


Photo Credits: Boots Gonzales

Matapos niya itong madiskubre, dali-dali siyang tumawag sa customer service ng Food Panda at dun niya din nalaman na bukod sa paggrocery, umorder din ang hacker ng pizza na nagkakahalaga ng P1854.00 sa isang restaurant.





Photo Credits: Boots Gonzales

Sinubukan din tawagan ng biktima ang number ng hacker at nakausap niya mismo ito.

Narito ang buong pangyayari: 







"Hindi pwede 'to! Dahil what if yung susunod mong mabibiktima last money nya na yung nanakawin mo para lang makapag party pizza ka at makapag grocery sa 711? Magbanat kayo ng buto!!", bigay diin niya.



Source: 1

Post a Comment

0 Comments