'Karmahin ka sana': Nabiktima ng “Pre, kamusta?” trending sa social media

Photo credits: Ikade Abadiano

Usap-usapan sa social media ang conversation sa Facebook Messenger na ibinahagi ni netizen Ikade Abadiano kung saan ibinuking niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang kumpare na itinago niya sa pangalang "Ray John".




Base sa kanilang naging pag-uusap, siya ay kinamusta ni Ray John at nagpresinta ito na maging 'ninong' ng kanyang anak. Subalit, matapos siyang kamustahin, nagulat na lamang siya nang biglang nangutang ito sa kanya ng halagang 7,000 pesos para daw sa birthday ng girlfriend nito.

Basahin ang buong kwento: 









Ayon kay Ikade, mayroon pang utang sa kanya ang kanyang kumpare na halagang 12,000 na hiniram ng dati nitong nobya na hindi pa rin bayad hanggang ngayon. Itinangging bayaran ni Ray John dahil hindi naman daw sya ang nanghiram nito.

Tuloy-tuloy pa din ang palitan nila ng chat sa messenger hanggang tumawad pa si Ray John sa presyo ng hinihiram nya. Mula 7,000 pesos, tumawad sya ng 5,000 pesos para sa panggastos nila ng girlfriend niya.














Matapos ang kanilang pag-uusap, ayon kay Ikade, nagdeactivate si Ray John ng kanyang account sa Facebook.




Kayo po, naranasan nyo na din po bang kamustahin at biglang utangan? 


Post a Comment

0 Comments