NYC Chairman sa kanyang billboard: 'Ibinaba na po ang ads sa ikakatahimik ng ilan'

Photo Credits: NYC Chair Ryan Enriquez
Matapos almahan ng marami ang kanyang billboard na nakalagay ang kanyang mukha sa EDSA, tinanggal ni National Youth Commission Chairman Ryan Enriquez ang nasabing billboard at sinagot ang mga isyu patungkol dito.

Narito ang kanyang buong pahayag:




PALIWANAG NI NYC CHAIRPERSON RYAN ENRIQUEZ

Narito po ang aking sagot sa kumakalat na intriga laban sa inyong lingkod.

Ang objective ko lang po ay makatulong para sa information dissemination tungkol sa COVID 19, lalo na ngayong nabawasan ang major network na nagbabalita.

Ang pagkakamali ko lang, anlaki ng mukha ko. Pasensya na.

Tungkol sa upa, walang ginastos kahit isang sentimo ang NYC.


Negosyo ng pamilya namin yun at dahil walang naka advertise, ay sayang naman, ginamit ko muna para sa NYC na walang charge.

Ginagawa ko rin yan sa ibang organization na humihingi ng tulong na maglabas din ng public service ads sa billboard or LED.

Ilang buwan na ako naglalagay ng ads dyan ng NYC for free, ngayon lang siguro napansin kasi anlaki ng mukha ko.




Inuulit ko , walang ginastos ang NYC dito. Salamat at pasensya na po.
Sa ngayon ibinaba na po ang ads sa ikakatahimik ng ilan.


——
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Source: 1

Post a Comment

0 Comments