Isang ina, walang awang pinagpapalo ng tabla ng sariling anak hanggang sa masira ito



Kaawa-awa ang sinapit ng isang ina sa Lal-lo, Cagayan matapos siyang walang awang paluin ng malapad na tabla ng sarili nitong anak. Dumurog sa puso ng mga netizen ang kanyang kalagayan matapos kumalat ang litrato nito na bugbog ang mukha at umiiyak sa sakit at kirot dahil sa ginawa ng kanyang anak. 



Ayon sa mga ulat, isang lalaking nagngangalang Marlon Siriban Jr. umano ang nanakit sa biktima.



Makikita sa mga larawan na iniinda ng babae ang sakit na kanyang tinamo sa kamay ng kanyang anak.





"Napaka lupit mong anak. (Marlon siriban jr) wala kang utang na loob na anak.. Naging tao ka dahil sa nanay mo tapos ganyan ginawa mo sa nanay mo napaka demonyo mo. Sana may tumulong kay nanay sa pagpapagamot niya," ayon sa isang netizen. 



Dagdag pa nila, "May mga anak talaga na kayang saktan ang magulang dapat nga mahalin ang magulang kasi kung di tayo minahal ng magulang natin di lumaki ang mga buto natin. Kung hindi tau mahal ng mga magulang natin e di sana na gaya na tayo sa mga walang ka muwang muwang na nilagay sa basurahan. Ang sama samang anak."



Ang tabla na ginamit panghampas sa kawawang ina






Nananawagan naman ang iba pang kaanak at kapatid ng biktima sa mga awtoridad upang madakip ang suspek.



Source: 1



Post a Comment

0 Comments