Dahil iniwan ng pamilya, isang lalaki nakatira na lamang sa malumot na concrete pipe

Larawan mula sa Facebook

Kaawa-awa ang kalagayan ng isang lalaki mula sa Kidapawan City na inabandona ng kanyang pamilya at nakatira na lamang sa isang malumot na concrete pipe.




Ayon sa concerned netizen, si Tatay Victorino Mansano ay mula sa Lower Ilomabis at namataan na naninirahan sa isang masukal na lugar matapos abandonahin ng kanyang pamilya at pakalat-kalat na lang umano ito kung saan-saan.

Dagdag pa nito, umaasa na lamang siya sa mga pagkain na binibigay ng nag-aabot sa kanya.





Nanawagan naman ang netizen ng tulong upang mabigyan ng pansin at matulungan si Tatay Victorino sa kanyang nakahahabag na kalagayan.

NARITO ANG BUONG POST:

"PLEASE SHARE PARA MATULUNGAN!

Gusto ko lang tulungan po si Tatay Vic kahit sa ganitong paraan para mabasa ito ng lahat at bigyan ng kaukulang pansin. Lalo na sa lahat ng may mabubuting kalooban, sa mga nanunungkulan sa Kidapawan.



Siya ay si Tatay Victorino Mansano, mula sa Lower Ilomabis malapit sa school ng Cayetano. Inabandona na sya ng kanyang pamilya at pakalat-kalat kung saan-saan. Ngayon diyan sya naninirahan. 





Minsan pumupunta sa may eskwelahan para doon magpalipas ng gabi. Sana maawa na kayo at tulungan siya. Hindi rin sapat ang kanyang pagkain at umaasa lang sa mga magbibigay sa kanya."

Source: 1

Post a Comment

0 Comments